BOOM
Hindi ako makapag post nitong mga nakaraan. Katamaran plus gusto ko sa pc lasi mas feel ko kaysa dito sa cp. Pero ngayon kailangan kong may masabihan nito.
Ayokong mag conclude pero mapag conclude ako e, ewan ko ba.
May nakita ako. Nakita ko siya ngayon. Nakita ko siya “naiwan o nagpaiwan”, yun ang di ko alam. Kasi nga ayun… May nilapitan siyang grupo, sa pagkakaalam ko hindi niya mga ka course yun. Nung una kala ko wala lang, may tinatawagan siya, nakatayo siyang naghihintay dun habang may kino-contact. Hanggang sa…
May dumating na babae, kilala ko yumg babae. Maganda, cute, maporma —— yung babaeng nililingon at pinipilahan. Business course ang kinukuha ni gelay, so nagtaka na ‘ko. Ayun, napapaisip lang ako. Siya ba? Siya na? ok lang naman e. As if magugustuhan niya ko, tanggap ko. Hanghang patanaw tanaw lang ako pero gusto ko lang malaman e. Tapos yun.
Sabay sila bumaba. Hinintay niya ba? Abangan sa susunod na kabanata.
Photo Courtesy: enigmaticsoul
Photo Courtesy: free-your-mind
(Source: weheartit.com)
Forgotten stories
Busy-busyhan na ko. Ang dami ng ginagawa sa school, midterm exam na tomorrow e. May mga kwento akong hindi ko na nalagay dito, nakakalungkot man kaso kailangan kong mag semi-hiatus mode. Dumaan ang mga araw, oo masaya naman kasi nakikita ko siya. Ganun padin naman siya, papasok—aabsent. Same routine kumbaga.
Magandang Umaga
Maganda umaga ng thursday ko. Why not cooconut. Ediba, wed nakita ko siya tapos nung Thursday, eh alam na.
Natauhan ata ang lolo niyo. Aba’t akalain mong pumasok, saktong sakto naman pasok niya. Wala kami ginawa, film viewing e. Kawawa naman siya, wala siyang friend sa classroom, loner. Nasa likod lang dapat namin siya, e kaso hindi ko keri. Lumipat ako ng upuan, dun sa unahan. Basta para siyang naiwan dun sa likod. Kung pwede ko alng siyang tabihan e. Nakakalungkot siyang tignang mag isa. Nagtetext text siya pero, iba padin pag alam mong may makakausap siya diba.
Pasimple ako, oo aminado na. Tinitignan tignan ko siya, hindi ko mapiit. Ang cute niya, ang sweet ng mukha niya kahit halata mong inaantok. Ang cute talaga. Hindi ko ma explain parang among amo ako sa mukha niya kahit na sa iba, ang sungit at suplado niya. Di ko nga alam kung nahahalata niya na ko sa pagtingin ko e. Feeling ko oo, hindi pwede! Hindi maaari. Hindi ako makakapayag.
Next time, patay-malisya na dapat. As if he doesn’t exist… pag alis nalang niya saka may malisya *wink*.






